header image
 

utak at pananaw ng isang grade 4..

My perst cruch..este crush..

i had my first crush when i was in grade 1..he’s my classmate, i don’t want to mention his name so we’ll just call him “chubby” medyo mataba kase sya noon..we were classmates from grade 1 to grade 6..crush ko sya from grade 1 to grade 4..good thing about it  is crush nya din ako..hehe..bakit ko naman alam? e kase ramdam ko naman yun e..palagi nya ako binibigyan ng milk tapos lagi nya ko tinatabihan sa upuan ko..saka sinasabi nya sa ibang classmates namen na crush nya ako..yung isa nameng classmate crush din sya e bestfriend ko pa naman yun so parang naiinis ako nun sa kanya kahit bestfriend ko sya..lumipas din yung crush crush na yun kay chubby…pagdating ko ng grade 5 iba na crush ko..classmate na ni utol..hehe..tapos ang dame dame ko ng naging crushes, elementary ako pero puro nasa high school na mga crushes ko..so yun.. ^^

Tag-init

meron akong isang kantang naalala sa panahon ng tag-init..isang panahon kung saan naging malayo at mailap ka saken..Gustong gusto kitang hagkan at yakapin pero inilayo mo ang loob mo saken..sobra akong naghanap sa presensya mo na halos ikabaliw ko subalit lubha ka yatang sakim at madamot..naging maramot kang magbigay ng kaligayahan sa akin..itinuring mo akong parang isang hangin nararamdaman mo ngunit hindi mo nakikita o sadya mong ipinagwawalang bahala ang pag-iral ko..pilit kitang inaabot pero pilit mo ding inilalayo ang kamay mo..hinayaan mo akong mahulog ni hindi mo ako tinapunan ng pansin..sarili mong kaligayan lang ang inisip mo, pero paano naman ako? paano naman ang mundo ko na ginulo mo? bakit mo ko hinaayang malunod  sa panahong kailangang kailangan kita? bakit ka nanlamig? bakit naging bulag at bingi ka sa nagsusumigaw na katotohanang mahal na mahal kita?pero tapos na yun…lumipas na ang tag-init na iyon..tag-ulan na ngayon…

alas tres ng hapon…

sa buhay naten madami tayong nakikilalang tao..lalo na yung mga taong palakaibigan..hindi ako palakaibigan pero sa buong buhay na pamamalagi ko sa mundo marami na din akong nakilalang tao, iba’t-ibang uri, me sobrang bait yung tipong sobrang nakakairita na kase parang hindi na sya tao..wala syang kakayahang damhin yung ibang emosyon, hindi sya marunong magalit..abnormal..merong taong orocan..merong mayayabang na wala namang mga kuwentang bagay ang ipinagyayabang..halimbawa na lang sa friendster, meron ako nakita nag-post sya ng bulletin meron daw syang nakuhang 1850 views sa friendster at ipinagpapasalamat nya yun..kakatawa no? kunsabagay karapatan nyang maging masaya sa anumang paraan..merong mga taong normal lang..kakikitaan mo ng malusog at normal na pag-iisip..pero me tao bang normal? wala..lahat ng tao me abnormalidad kaya nga walang taong perpekto, diba? yung iba nga lang nasobrahan ang pagiging abnormal.. sabi ng kapatid ko abnormal daw ako kase pag dinaig ako ng emosyon nagiging ibang tao ako..iba akong magalit, nagiging bayolente, kaya ko sigurong pumatay pag napuno ng sobrang galit ang pagkatao ko..maraming beses ko ng naranasan ang magalit at makipaglaban..nakakapagod..para kang gulay paghupa ng emosyon, parang hinugot ang lahat ng lakas na meron ka sa katawan..bakit ba ako nagagalit? maraming rason..gusto kong maramdaman ng taong yun na me sakit akong nararamdaman sa loob ko.. gusto kong pareho kameng masaktan..sa totoo lang hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung nakita ko na nga ba yung taong talagang makakaunawa at uunawa saken..minsan kase nararamdaman ko mag-isa pa din ako..parang hindi pa rin nya napapasok at nahahawakan ang buong pagkatao ko..parang hindi pa din nya ako kilala..may panahong malungkot ako kase hindi ko maramdamang me kasama ako..ang tanging kunswelo ko sa sarili ko dadating naman yung panahong mawawala ako sa mundo..ang lahat ng itoy di permanente..

Takot…

nakakatakot..gusto kong umuwi sa bahay..pero gabi na..sana me kasama ako..mamamatay na ako sa takot..  :(

Thank Cues..

Nanay ko -thank you sa lahat lahat..sa pag-aalaga saken mula nung bata ako hanggang ngayon..alam ko hindi ko mababayaran lahat nung mga ginagawa nyo saken..thankful talaga ako kase ikaw ang naging nanay ko..sana magkasama pa tayo ng matagal na matagal..Mahal na mahal kita `nay..Ikaw ang the best para saken..I’ve seen all your sacrifices, hanga ako sa’yo kase ang dame dame ng bagyo na dumaan sa buhay mo pero nanatili kang matatag..minsan dinadaig ka din pero patuloy ka pa ding lumalaban..thank you nay..mahal na mahal kita..

Tatay ko - Madaya ka..niwan ko kame kagad..dame tuloy mga bad experiences na nangyari samen..anyways, thankful pa din ako sa’yo syempre..salamat kase gwapo  ka kaya maganda ako..hehe..ang konti lang ng memories na naiwan mo samen..natatandaan ko nun nagalit ka saken hinabol mo ko ng palo kase ayaw ko maghugas ng paa diretso na ako agad sa higaan.. ^^.. tapos nung graduation ko sa kinder ang lungkot lungkot mo hindi ka masyadong nagsasalita at kumikibo noon yun pala malapit mo na kameng iwan..`lam mo me mga oras na sobrang na-mimiss kita..sana andito ka pa ` tay…mahal kita..hindi ko yan nasabi nung buhay ka pa pero mahal kita…

Ging - hindi perfect ang relasyon naten bilang magkapatid..dame dame din nateng naging away..dati nga umabot pa sa isang buwang hindi tayo nagkibuan dahil sa isang napakababaw na dahilan, pero thankful pa din ako ikaw ang naging kapatid ko..salamat sa happy memories naten..thank you sa pag-aalaga saken..naalala ko pa yung mga laro naten dati yung baril barilan saka basketball.. tanda mo ba dati nung hinubuan mo ko ng shorts sa harap ng mga friends mong lalake? haha..loko ka talaga…ikaw ang mananatili at nag-iisang paborito kong kalaro.. hehe…

Lance and Kirby - Thank you kase lagi nyo ko pinapa-smile..pinasaya nyo mundo ko sa mga halakhak nyo..love na love ko kayo..sorry, sa kakapisil sa mga tenga nyo..hehe..ingat kayo lagi..lagi kayo mag-aaral na mabuti..ikaw pomi wag mo gagalitin si daddy ha..love kayo ni ninang..

Si Arman..(Armhen na ngayon)..hehe…

Sinu ba si Arman? si Arman, an old friend, former officemate and housemate..na-miss ko ang taong ire..dame din namin masasayang memories..i wasn’t really surprised with his transformation kase alam ko naman na nung una pa lang  pusong mamon sya..wahehe..and i’m happy kase ngayon isa na syang ganap na sirena..kung nuon pausbong pa lang ang buntot nya ngayon tumubo na ito ng bonggang bongga..haha..recall ko lang yung mga memories na nagkasama kame sa laguna, dati 3 kameng magkakasama sa bahay..yung isa si sharon (borniks) office mate din namen..isa’t kalahating topakin din..so ayun 3 kameng abnormal sa office, kame din ang magkakasama sa bahay..si sharon malandi kung sinu sino naging fafa, dame ding hang-ups sa buhay..aba e nilalakad nya minsan from sto.tomas to calamba..pampaalis daw ng stress..(sira ulo no? hahaha…) sakit ng tyan namen ni arman sa kakatawa nung nalaman namen yung ginawa nya..pag uuwi kame galing sa office kanyang kanyang daing yan kesyo di na kaya tumagal pa sa work..mag-reresign na..so ayun nauna umalis si sharon..naiwan kameng 2 arman..pinaghatian namen ung 3k na renta sa apartment..yung apartment namen nun malapit sa Letran..arman, anu nga name nung landlady naten dati? (hehe, sana basahin mo to) masaya kasama si arman..well,  nung una syempre hindi pa kame masyado close kase iba yung linya ng trabaho nya kesa samen..i could still remember galing ako ako nun sa pangil laguna  (OB ako nun) nadatnan ko sya sa apartment me binubunong isang bote ng gin..aba  nagdadrama ang lola mo..he’s having a hard time pa kase with his job, nasa adjustment period pa lang sya nun..dumaan yung mga araw naging close na kame, palagi kameng nagtatawanan, balahura kase yang si arman..hehe..naging parang assistant ko na din sya nun kase kasama ko na sya pag me sked ako ng collection..na-witness ni arman yung pagiging moody ko, kaya merong time na hindi kame nag-uusap..wala lang ayoko lang maki-pagusap kaya tahimik sa bahay..pero pag ok ang mood ko..para kameng mga engot na tawa ng tawa..meron kameng mga private jokes na tinginan pa lang e pareho na kameng matatawa..naalala ko din nung naghihintay kame sa jollibee pacita, antay namen yung boss namen kase sya yung kukuha ng 13th mo. pay namen sa main office..

hindi ko akalain sya pa yung tatagal sa company kesa  saken..sya kase nun ilang araw na nag absent nag-aapply pala sa iba..mauuna pa pala akong mag-resign sa kanya..^^

crazy thots ni lainetot…

umiiral na naman ang pagiging morbid ko ngayon..naisip ko lang  hanggang kelan kaya ako sa mundo..sa paanong paraan kaya ako mamamatay..ma-rerecognize kaya ng kaluluwa ko yung mga kaluluwa ng mga kamag-anak kong nauna ng mamayagpag sa kalawakan..e ang tatay ko? makikita ko ba ulit sya pag patay na ako? anu kayang sasabihin ko? ganto ba? “tay, at last we meet again..sobrang na-miss kita, we didn’t had  the chance na magbonding sa lupa kase maaga mo kameng iniwan..dito na lang tayo mag-bonding.. “..masasaktan kaya yung mga maiiwan ko? aba syempre naman.. mabait naman ako, diba? me dark side sya pero mas lamang ang pagiging mabait nya..hehe..e bakit ba ako bigla nagsulat nito? wala lang, kanina kase nagpunta ako sa tindahan tapos bumili ako ng piattos, iba na kase yung lamig ngayon parang nag-hehello na talaga ang pasko..(anung konek sa kamatayan?) wala lang basta naisip ko lang..siguro dahil sa kantang paulit ulit kong pinapakinggan..walang sawa..hindi naman syang kantang pampatay..ewan ko ba..sarap nya pakinggan para akong dinuduyan..nakakarelax…para kang hinihila sa pagtulog..pagtulog na wala ng gisingan..lol..(o, diba? first time kong ginamit yang salitang yan yang “lol” na yan..haha, putang na wala lang..lol) gusto mong malaman yung song? hmm..ayokong sabihin..well, honestly na-mimiss ko talaga tatay ko..naalala ko pa dati pag nakakakita ako ng father and daughter naiinggit ako…totoo un..kahit ngayon..lalo na ngayon..minsan malungkot ako..i long for a father..sana andito pa sya..ang konti ng memories na naiwan nya saken..i saw an old pic of him..bata pa sya nun..and im proud to say gwapo ang tatay ako..kaya maganda ako e…lol (3rd time)…sad..yeah, malungkot ako ngayon..i feel so alone.. so empty..`bat ba ganto yung nakaplanong maging buhay ko..pwede naman akong naging dancer sa club, kabo sa huweteng..o, diba? parang maingay yung ganung buhay..makulay..unlike mine..ay, makulay nga din pala yung saken..dame dameng experience..yung iba masaya, malungkot, traumatic.. 11:18 na, asan kaya ang bf ko ngayon? hmmm..dota mode? or baka nag-aaral kase exams na nila..magkikita daw kame sa sat..e what if hindi na ako magising bukas..oh, well…

old notes..love notes.. (galing sa inbox ng fs ni ely..)

huy,
sensia na ha kung sumpungin ako ha..Eversince kc bata ako hate ko ung di kakatupad sa mga promises.kahit sa nanay ko dati pag di nabili ang gusto ko nagwawala ako..bad ko noh?lam mo happy ako pag and2 ka kc napapasaya mo ako..Kaya dissapointed ako pag di ikaw kakapunta..Ngayon unti-unti mo ng nakikilala ang pagkatao ko..If ever magsawa ka na sa ugali ko edi iwan mo na ko..wag mo na ako turing na friend..Pero thankful pa rin ako kc dinala ka ng ran online sa buhay ko..love u kupz..

lam ko punong puno ka na saken..sumakit din ang ulo ko sa away na yun…ewan ko ba di ko lam..buti pa nung una noh?nung di pa tayo nagkikita nung nag ppm pa lang tayo gamit mo ung ke pai..yung kupz kupz pa lang nung naging bebe pumangit na..nakita mo yung bad side ko ung mga weaknesses ko.tinatanong ko rin ang sarili ko san ba nanggagaling ang galit ko?siguro sa mga pinagdaanan ko mula nung bata ako.mahirap siguro on your part na maniwala na mahal kita pero yun ang totoo..san man mapunta to matapos man to thankful pa rin ako kase dumating ka sa buhay ko. Naging masaya ako ely yun nga lang me mga bagay na hirap na hirap akong paglabanan.Bilad na bilad na sayo ang ugali ko..hindi lang sayo pati sa mga friends mo..Sana makapag-usap pa ulit tayo kahit for the last time..gusto ko umiyak sayo..there’s so much pain in me..kung lam mo lang..alam ko mahirap ako intindihin..most of the time i act like a child but i cant help it..im sorry for all the pains that i’ve caused u..you’re a nice person..thank you for making me feel special even just for a while.Ingatan mo lagi ang sarili mo..kain ka on time..kahi’t mawalan na tayo na communication, hindi pa rin kita makakalimutan..i love you ely..so much

wala lang…just want to thank you for everything..Small things man o malalaking pabor na nagawa mo saken.Palagi mo sinasabi na masaya ako sayo, yes…Hindi ko man direktang aminin masaya ako everytime kasama kita.You have no idea how much joy you brought to my life..I maybe madrama pero it’s the only way i can express what i truly feel..When I went w/ you to that swimming i realized something scary on my part, my love for you pala has grown that much..After a few mos.lalago pala sya ng ganun..And i’m scared, pagbaba ko pa lang ng jeep pauwi sa bahay bigla akong nalungkot and i don’t know why, and i’m asking myself why i am sad where in fact im inlove?Maybe because takot ako..takot akong matali sa isang relasyon na hindi ko alam kung kayang tumbasan ang kaya kong ibigay..I’m scared na bigla ka na lang mawala sa buhay ko..Pano pag hinanap ko ang comfort ng braso mo at di ko na sya maaabot?sabi mo nga you’re not ready yet for a serious relationship.Sana ang buhay hindi kumplikado lahat happy ending lang pero it’s not that..Ngayon, hindi ko alam kung dapat pa talagang magtuloy ang relasyon na to..Ang dami nateng intimate moments at lahat yun mahalagang bahagi ng buhay ko..Im doing that because i love you..
Ayokong mawala ka saken ely, pero kung mas mabuting maputol na lang to edi ganun na lang..Mahal kita…mahal na mahal..Sorry if i’ve dissapointed you in so many ways.

ely,

dito na ba natatapos to? kung hanggang dito na lang nagpapasalamat pa rin ako kase dumating ka sa buhay ko. Naging masaya ako at nakita mo naman yun. Me mga bagay lang talaga na hirap akong kontrolin na nagiging rason para mag-away tayo.Sorry sa lahat ng sakit na nadulot ko sayo. Sabi mo nga nabaoy kita, nainsulto,nasaktan..lahat ng yun ay hindi ko sadya naging mahina lang talaga ako.Mahal kita,sabi mo nga sobra..Pag andito ka sa shop gusto kita hawakan kahit me tao kaso baka kung anong isipin mo saken.Lam mo pag meron akong kinakain iniisip ko sana andito ka kumakain din..Pag magkatabi tayo gusto kita laging kumutan..Hindi man tayo nangarap ng sabay espesyal saken ang relasyon na to..Mahirap kalimutan yung taong mahal mo pero ganun talaga lahat ng bagay masakit man o masarap kelangan mong pagdaanan..Pasenya na kung hindi ako yung taong pumuno sa kakulangan mo..Lahat ng memories naten na magksama tayo hindi ko makakalimutan..Nakatatak na saken yun.Bawat ngiti, bawat titig..bawat akap..hindi kita makakalimutan..sana maging happy ka..sana mahanap mo yung taong mamahalin mo ng totoo..ingat ka palagi..mahal kita..gusto pa rin kitang makita kahit sa huling sandali na..Hindi madali saken ang sabihin to..para akong literal na sinusuntok..gusto kong lumaban pero panu kung wala akong kakampi..

ingat ka lagi..

Just wanted to thank you for making me
a part of you..salamat sa pagsama mo
saken ng ilang buwan..thanks for
making me laugh, cry..swear,
scream..thanks for all the help,
comfort, hugs…everything..You’re
such a wonderful being,sorry if i
became abusive..sorry for all the
pains that iv’e caused you..How sad
it didn’t worked out..Sa nangyari
saten we’re left wondering tama ba
bang sinobrahan pa naten sa friendship
ang relasyon naten..Kung iisipin mo
parang kakapagsisi no? kase nung
naging tayo parang mas lumakas ang
loob naten na mas saktan ang isa’t-
isa..pero ayoko magsisi nasabi ko lang
yun kase galit ako..bakit ka magsisisi
sa isang bagay na naging masaya ka
naman? You told me before that i
expected too much? Why shouldn’t i? We
entered a relationship natural mag-
eexpect tayo na mag grow yung relasyon
me invidual differences man pipilitin
naten na magtugma pa rin..
sorry ely kung
hindi ako sumapat sa pamantayan mo,
kung hindi ko napunan yung blangko sa
buhay mo..ako lang to..ganto lang
ako..sabi nga nila yung love parang
sugal..ipupusta mo lahat kahit feeling
mo tagilid ka na sige ka pa rin at pag
natalo saka magtatanong ng magtatanong
sa sarili “where did i go wrong?” sang
diskarte ako pumalpak? kaw, ely..i’m
asking you san ako sumablay? for sure
ganto ang sagot mo “sa lahat” kase
sabi mo nga ako ang me kasalanan ng
lahat..Ok sige,i am taking all the
blame..isa lang ang kasalanang alam ko
nagmahal ako sayo ng sobra..alam ko
balewala na lahat ng sasabihin ko pero
wala lang..yaan mo lang ako..it’s just
a way of consoling myself..hindi na
bago saken ang masaktan..i knew the
feeling by heart..pero parang ibang
lebel to kase sayo ko yata nareceived
yung pinakamasakit na salitang hindi
ko dapat madinig..see? you’re really
something..Madami tayong memories
ely..at least palagi mo maaalala na at
some point in your life e nakasama mo
ang tulad ko..ang pinakanegatibong
nilalang sa pananaw mo..pwede mong
sabihin at isipin saken lahat ng
masasama ok lang..yun ako e..but i’m
telling you ely, nag-iisa lang si
Laine..si laine na parang bulkan kung
magalit, si Laine na parang impierno
kung magmura, si laine na topakin,
sumpungin..si Laine na nakilala mo sa
lintek na Ran Online na yan..si Laine
na nagmahal sayo ng sagad..nahihiya ka
ba sa mga sinasabi ko? Am i overly
dramatic? sorry for that..well, at
least ako kaya ko i-express ang mga
laman ng utak ko..life’s so
unpredictable..wala akong pagsisisihan
na me mga bagay akong hindi nasabi
dati..I bet wala ka ng makikilala na
tulad ko..alam ko hindi mo na rin
gugustuhing makahanap ng katulad ko
kase kakaiba ako..so unique..so
extraordinary..
sabi mo kanina “stop na Laine hindi
tayo para sa isa’t-isa..gusto ko ng
kumalas” huwaw…ang daling sabihin
ely no? pero di mo lam ang talab saken
parang combo ng kick punch, force
punch at kung anu-ano pang punch..pero
that’s life..akala ko papanigan ako ng
ulan..with all the buffs pipilitin ko
pa rin tumayo..hihintayin ko yung
umaga na kaya ko na ulit
makipagngitian sa araw, yung gabi na
kaya ko na ulit makipagkindatan sa
mga stars..pumikit na wala ng magpa-
flashed back na masasakit na
memories…at makayang sabihin sa
sarili ko na “thanked God im over him”
won’t that be easy pero i’m gonna call
all the forces of nature, to come to
my rescue, to heal my scarred
heart…my broken soul…

ingat ka kupz,bebe, bro..sana magkita
pa tayo sa next life at sana anak na
kita para we get to spend more
wonderful years together…

I love you….

Eliseo Pabruada Jr.

Sinu nga ba sya sa buhay ko? siya si ely noon, si kupz..dinala sya ng isang online game sa buhay ko..2 years ko na syang kakilala at sa loob ng 2 years na yun madameng nangyari at nabago sa buhay namen..we started as friends..meron syang problema nun meron din ako..Nag-confide kame sa isat-isa nung mga sentimiyento namen sa buhay kahit na hindi pa kame nagkikita personally..anu nga ba problema namen nun? katulad ng mga korning soap opera sa tv “lovelife”..naaaliw akong kausap sya kase parang masayahin syang tao..nag-aadvise sya saken kahit na sa sarili nya mabigat din yung nararamdaman nya..sometime in dec. 2006 nag-meet kame personally, he’s wearing a yellow polo shirt..later ko na lang nalaman na sobrang kumportable daw yung pakiramdam nya pag suot nya yun kaya pala lagi nya sinusuot ..(hehe)..mas naging close kame nun kase almost everyday dinadalaw nya ako..Masaya ako pag andito sya samen..Something happened…Parang through his actions gusto nya magkaron kame ng relayon na mas malalim pa sa friendship..Parang i like him na rin naman kaya pumayag ako..hindi ko inisip na nung time na yun confused sya..dumating dun sa puntong naisip ko at naramdaman ko na posibleng ginagamit lang ako ng taong to para pagtakpan ang kakulangan ng iba..pero sige lang malungkot din ako nung time na yun kaya “naging kame” habang tumatagal nadedevelop ung feelings ko sa kanya..nagising na lang ako isang umaga mahal ko na pala talaga sya..pero alam ko may mali at ramdam ko yun..kung may feelings man sya saken nun alam ko hindi kasing intense ng nararamdaman ko sa kanya..halimbawa na lang mag ool ako sa game na nilaro namen dati hindi man lang nya ako pinapansin kahit na alam nya nag-ol ako..palaging ako ang nag-iinitiate..pero in fairness naramdaman ko naman yung love at pagmamalasakit nya kahit papano pero hindi sya ganun kalalim..sinisi ko ang sarili ko nun kase alam ko naman na me mahal syang iba nung time na yun pero nakipag-relasyon pa din ako sa kanya..maraming beses kameng nag-away..maraming beses akong nag-makaawa..nararamdaman ko pa din yung sakit pag naalala ko ngayon..yung parang nagsasalita ka sa hangin..sobrang parang mamatay ka na dahil sa sakit at sama ng loob pero para kang nagsasalita sa bato..hindi talaga umubra yung relasyon namen kaya naghiwalay kame..nalaman ko na lang na ok na pala sila ulit..natural nasaktan ako kase sobrang mahal ko sya..pero natanggap ko yun..naging happy na rin ako..pero malakas din akong kumutob na he’s not totally happy pero hinayaan ko lang sya..nawalan kame ng communication, he stopped seeing me..natural lang yung kase break na kame nun..Nagulat na lang ako nun kase nag-message sya saken sa FS..parang nangumusta lang..hinayaan ko lang..pag nagkakatapat na pareho kameng ol sa game kinakausap nya ako pero casual lang..pero i won’t deny na pag nakikita ko syang ol or nakikita ko yung character nya me kakaiba akong nararamdaman..saya at lungkot..hindi na nya ulit ako kinausap..as in wala talagang paramdaman..naisip ko nun siguro masaya na sya..nag-moved on ako..nagmahal ako ng iba..(madrama ko no? pero totoo) nung naging involved ako with that person pumasok ulit sya sa eksena…ayaw nya atang maging happy ako..he even told me na maglalaro na sya ulit, lagi na daw kameng magkasama sa party, kahit daw sya ang gawin kong locker humiwalay lang ako sa taong yun..but i refused to listen..nakareceived ako ng masasakit na salita galing sa kanya hinayan ko lang din sya..and then one day nakita ko sya in game karay karay nya yung isang char din..lagi silang magkasama..kung nasan ako bigla na lang syang mag-aapear kasama pa din yung char na yun..at aaminin ko sobrang naiirita ako whenever i see them..tumagos sa buto ang galit ko sa char na yun..yeah,nagselos ako ng sobra..but just the same hinayaan ko lang din..masaya din naman akong nung time na yun..me bahaging bumubulong saken na ginagamit lang nya yung char na yun para pagselosin ako…naging busy sya sa char na yun..one day nagulat ako nag-message naman sya sa YM..sobrang cool sya nun..parang ang bait bait parang ang baba baba..ibang iba sa mga pinakita nya saken dati..during those times kase na nainvolved ako sa iba parang hindi tao ang trato nya saken…binastos nya ako…minura…lahat na..pumupunta nga sya samen para lang magwala..pero yun nga nung isang araw na yun parang nag-iba ang ihip ng hangin..tinanong ko sya bat sya nag-message saken sa ym asan na yung char na karay karay nya noon..alam ko nung nag-message sya saken me balak sya..to make the story short..binawi nya ako..ganun kadali..nung sept. 3. 2007 nabawi nya ako..nagsimula ulit kame nun..narinig ko yung mga salitang nagpalutang saken…nagpaiyak..sabi nya saken “hindi kita totally binitiwan, inalagay lang kita sa tamang pwesto” “mahal kita naguguluhan lang ako noon” “mas mahal na kita ngayon”…kahit nakapagsimula na kame ulit hindi pa rin nawala yung mga hindi pagkakasundo..pero alam ko mas matibay na kame ngayon..sobrang lalim na nung pinagsamahan namen..i loved him with all my heart..alam ko mababasa mo to..sana kahit baluktot na tuhod naten..at kahit di na naten kayang magharutan mananatili tayong magkasama..kahit malabo na mga mata naten, malinaw pa rin sa mga isip naten na we’re destined to be together for the rest of our lives…