header image
 

crazy thots ni lainetot…

umiiral na naman ang pagiging morbid ko ngayon..naisip ko langĀ  hanggang kelan kaya ako sa mundo..sa paanong paraan kaya ako mamamatay..ma-rerecognize kaya ng kaluluwa ko yung mga kaluluwa ng mga kamag-anak kong nauna ng mamayagpag sa kalawakan..e ang tatay ko? makikita ko ba ulit sya pag patay na ako? anu kayang sasabihin ko? ganto ba? “tay, at last we meet again..sobrang na-miss kita, we didn’t hadĀ  the chance na magbonding sa lupa kase maaga mo kameng iniwan..dito na lang tayo mag-bonding.. “..masasaktan kaya yung mga maiiwan ko? aba syempre naman.. mabait naman ako, diba? me dark side sya pero mas lamang ang pagiging mabait nya..hehe..e bakit ba ako bigla nagsulat nito? wala lang, kanina kase nagpunta ako sa tindahan tapos bumili ako ng piattos, iba na kase yung lamig ngayon parang nag-hehello na talaga ang pasko..(anung konek sa kamatayan?) wala lang basta naisip ko lang..siguro dahil sa kantang paulit ulit kong pinapakinggan..walang sawa..hindi naman syang kantang pampatay..ewan ko ba..sarap nya pakinggan para akong dinuduyan..nakakarelax…para kang hinihila sa pagtulog..pagtulog na wala ng gisingan..lol..(o, diba? first time kong ginamit yang salitang yan yang “lol” na yan..haha, putang na wala lang..lol) gusto mong malaman yung song? hmm..ayokong sabihin..well, honestly na-mimiss ko talaga tatay ko..naalala ko pa dati pag nakakakita ako ng father and daughter naiinggit ako…totoo un..kahit ngayon..lalo na ngayon..minsan malungkot ako..i long for a father..sana andito pa sya..ang konti ng memories na naiwan nya saken..i saw an old pic of him..bata pa sya nun..and im proud to say gwapo ang tatay ako..kaya maganda ako e…lol (3rd time)…sad..yeah, malungkot ako ngayon..i feel so alone.. so empty..`bat ba ganto yung nakaplanong maging buhay ko..pwede naman akong naging dancer sa club, kabo sa huweteng..o, diba? parang maingay yung ganung buhay..makulay..unlike mine..ay, makulay nga din pala yung saken..dame dameng experience..yung iba masaya, malungkot, traumatic.. 11:18 na, asan kaya ang bf ko ngayon? hmmm..dota mode? or baka nag-aaral kase exams na nila..magkikita daw kame sa sat..e what if hindi na ako magising bukas..oh, well…

~ by laine4u on October 16, 2008.

Leave a Reply