Eliseo Pabruada Jr.
Sinu nga ba sya sa buhay ko? siya si ely noon, si kupz..dinala sya ng isang online game sa buhay ko..2 years ko na syang kakilala at sa loob ng 2 years na yun madameng nangyari at nabago sa buhay namen..we started as friends..meron syang problema nun meron din ako..Nag-confide kame sa isat-isa nung mga sentimiyento namen sa buhay kahit na hindi pa kame nagkikita personally..anu nga ba problema namen nun? katulad ng mga korning soap opera sa tv “lovelife”..naaaliw akong kausap sya kase parang masayahin syang tao..nag-aadvise sya saken kahit na sa sarili nya mabigat din yung nararamdaman nya..sometime in dec. 2006 nag-meet kame personally, he’s wearing a yellow polo shirt..later ko na lang nalaman na sobrang kumportable daw yung pakiramdam nya pag suot nya yun kaya pala lagi nya sinusuot ..(hehe)..mas naging close kame nun kase almost everyday dinadalaw nya ako..Masaya ako pag andito sya samen..Something happened…Parang through his actions gusto nya magkaron kame ng relayon na mas malalim pa sa friendship..Parang i like him na rin naman kaya pumayag ako..hindi ko inisip na nung time na yun confused sya..dumating dun sa puntong naisip ko at naramdaman ko na posibleng ginagamit lang ako ng taong to para pagtakpan ang kakulangan ng iba..pero sige lang malungkot din ako nung time na yun kaya “naging kame” habang tumatagal nadedevelop ung feelings ko sa kanya..nagising na lang ako isang umaga mahal ko na pala talaga sya..pero alam ko may mali at ramdam ko yun..kung may feelings man sya saken nun alam ko hindi kasing intense ng nararamdaman ko sa kanya..halimbawa na lang mag ool ako sa game na nilaro namen dati hindi man lang nya ako pinapansin kahit na alam nya nag-ol ako..palaging ako ang nag-iinitiate..pero in fairness naramdaman ko naman yung love at pagmamalasakit nya kahit papano pero hindi sya ganun kalalim..sinisi ko ang sarili ko nun kase alam ko naman na me mahal syang iba nung time na yun pero nakipag-relasyon pa din ako sa kanya..maraming beses kameng nag-away..maraming beses akong nag-makaawa..nararamdaman ko pa din yung sakit pag naalala ko ngayon..yung parang nagsasalita ka sa hangin..sobrang parang mamatay ka na dahil sa sakit at sama ng loob pero para kang nagsasalita sa bato..hindi talaga umubra yung relasyon namen kaya naghiwalay kame..nalaman ko na lang na ok na pala sila ulit..natural nasaktan ako kase sobrang mahal ko sya..pero natanggap ko yun..naging happy na rin ako..pero malakas din akong kumutob na he’s not totally happy pero hinayaan ko lang sya..nawalan kame ng communication, he stopped seeing me..natural lang yung kase break na kame nun..Nagulat na lang ako nun kase nag-message sya saken sa FS..parang nangumusta lang..hinayaan ko lang..pag nagkakatapat na pareho kameng ol sa game kinakausap nya ako pero casual lang..pero i won’t deny na pag nakikita ko syang ol or nakikita ko yung character nya me kakaiba akong nararamdaman..saya at lungkot..hindi na nya ulit ako kinausap..as in wala talagang paramdaman..naisip ko nun siguro masaya na sya..nag-moved on ako..nagmahal ako ng iba..(madrama ko no? pero totoo) nung naging involved ako with that person pumasok ulit sya sa eksena…ayaw nya atang maging happy ako..he even told me na maglalaro na sya ulit, lagi na daw kameng magkasama sa party, kahit daw sya ang gawin kong locker humiwalay lang ako sa taong yun..but i refused to listen..nakareceived ako ng masasakit na salita galing sa kanya hinayan ko lang din sya..and then one day nakita ko sya in game karay karay nya yung isang char din..lagi silang magkasama..kung nasan ako bigla na lang syang mag-aapear kasama pa din yung char na yun..at aaminin ko sobrang naiirita ako whenever i see them..tumagos sa buto ang galit ko sa char na yun..yeah,nagselos ako ng sobra..but just the same hinayaan ko lang din..masaya din naman akong nung time na yun..me bahaging bumubulong saken na ginagamit lang nya yung char na yun para pagselosin ako…naging busy sya sa char na yun..one day nagulat ako nag-message naman sya sa YM..sobrang cool sya nun..parang ang bait bait parang ang baba baba..ibang iba sa mga pinakita nya saken dati..during those times kase na nainvolved ako sa iba parang hindi tao ang trato nya saken…binastos nya ako…minura…lahat na..pumupunta nga sya samen para lang magwala..pero yun nga nung isang araw na yun parang nag-iba ang ihip ng hangin..tinanong ko sya bat sya nag-message saken sa ym asan na yung char na karay karay nya noon..alam ko nung nag-message sya saken me balak sya..to make the story short..binawi nya ako..ganun kadali..nung sept. 3. 2007 nabawi nya ako..nagsimula ulit kame nun..narinig ko yung mga salitang nagpalutang saken…nagpaiyak..sabi nya saken “hindi kita totally binitiwan, inalagay lang kita sa tamang pwesto” “mahal kita naguguluhan lang ako noon” “mas mahal na kita ngayon”…kahit nakapagsimula na kame ulit hindi pa rin nawala yung mga hindi pagkakasundo..pero alam ko mas matibay na kame ngayon..sobrang lalim na nung pinagsamahan namen..i loved him with all my heart..alam ko mababasa mo to..sana kahit baluktot na tuhod naten..at kahit di na naten kayang magharutan mananatili tayong magkasama..kahit malabo na mga mata naten, malinaw pa rin sa mga isip naten na we’re destined to be together for the rest of our lives…

Leave a Reply