header image
 

Thank Cues..

Nanay ko -thank you sa lahat lahat..sa pag-aalaga saken mula nung bata ako hanggang ngayon..alam ko hindi ko mababayaran lahat nung mga ginagawa nyo saken..thankful talaga ako kase ikaw ang naging nanay ko..sana magkasama pa tayo ng matagal na matagal..Mahal na mahal kita `nay..Ikaw ang the best para saken..I’ve seen all your sacrifices, hanga ako sa’yo kase ang dame dame ng bagyo na dumaan sa buhay mo pero nanatili kang matatag..minsan dinadaig ka din pero patuloy ka pa ding lumalaban..thank you nay..mahal na mahal kita..

Tatay ko - Madaya ka..niwan ko kame kagad..dame tuloy mga bad experiences na nangyari samen..anyways, thankful pa din ako sa’yo syempre..salamat kase gwapo  ka kaya maganda ako..hehe..ang konti lang ng memories na naiwan mo samen..natatandaan ko nun nagalit ka saken hinabol mo ko ng palo kase ayaw ko maghugas ng paa diretso na ako agad sa higaan.. ^^.. tapos nung graduation ko sa kinder ang lungkot lungkot mo hindi ka masyadong nagsasalita at kumikibo noon yun pala malapit mo na kameng iwan..`lam mo me mga oras na sobrang na-mimiss kita..sana andito ka pa ` tay…mahal kita..hindi ko yan nasabi nung buhay ka pa pero mahal kita…

Ging - hindi perfect ang relasyon naten bilang magkapatid..dame dame din nateng naging away..dati nga umabot pa sa isang buwang hindi tayo nagkibuan dahil sa isang napakababaw na dahilan, pero thankful pa din ako ikaw ang naging kapatid ko..salamat sa happy memories naten..thank you sa pag-aalaga saken..naalala ko pa yung mga laro naten dati yung baril barilan saka basketball.. tanda mo ba dati nung hinubuan mo ko ng shorts sa harap ng mga friends mong lalake? haha..loko ka talaga…ikaw ang mananatili at nag-iisang paborito kong kalaro.. hehe…

Lance and Kirby - Thank you kase lagi nyo ko pinapa-smile..pinasaya nyo mundo ko sa mga halakhak nyo..love na love ko kayo..sorry, sa kakapisil sa mga tenga nyo..hehe..ingat kayo lagi..lagi kayo mag-aaral na mabuti..ikaw pomi wag mo gagalitin si daddy ha..love kayo ni ninang..

~ by laine4u on October 24, 2008.

Leave a Reply