header image
 

alas tres ng hapon…

sa buhay naten madami tayong nakikilalang tao..lalo na yung mga taong palakaibigan..hindi ako palakaibigan pero sa buong buhay na pamamalagi ko sa mundo marami na din akong nakilalang tao, iba’t-ibang uri, me sobrang bait yung tipong sobrang nakakairita na kase parang hindi na sya tao..wala syang kakayahang damhin yung ibang emosyon, hindi sya marunong magalit..abnormal..merong taong orocan..merong mayayabang na wala namang mga kuwentang bagay ang ipinagyayabang..halimbawa na lang sa friendster, meron ako nakita nag-post sya ng bulletin meron daw syang nakuhang 1850 views sa friendster at ipinagpapasalamat nya yun..kakatawa no? kunsabagay karapatan nyang maging masaya sa anumang paraan..merong mga taong normal lang..kakikitaan mo ng malusog at normal na pag-iisip..pero me tao bang normal? wala..lahat ng tao me abnormalidad kaya nga walang taong perpekto, diba? yung iba nga lang nasobrahan ang pagiging abnormal.. sabi ng kapatid ko abnormal daw ako kase pag dinaig ako ng emosyon nagiging ibang tao ako..iba akong magalit, nagiging bayolente, kaya ko sigurong pumatay pag napuno ng sobrang galit ang pagkatao ko..maraming beses ko ng naranasan ang magalit at makipaglaban..nakakapagod..para kang gulay paghupa ng emosyon, parang hinugot ang lahat ng lakas na meron ka sa katawan..bakit ba ako nagagalit? maraming rason..gusto kong maramdaman ng taong yun na me sakit akong nararamdaman sa loob ko.. gusto kong pareho kameng masaktan..sa totoo lang hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung nakita ko na nga ba yung taong talagang makakaunawa at uunawa saken..minsan kase nararamdaman ko mag-isa pa din ako..parang hindi pa rin nya napapasok at nahahawakan ang buong pagkatao ko..parang hindi pa din nya ako kilala..may panahong malungkot ako kase hindi ko maramdamang me kasama ako..ang tanging kunswelo ko sa sarili ko dadating naman yung panahong mawawala ako sa mundo..ang lahat ng itoy di permanente..

~ by laine4u on November 4, 2008.

Leave a Reply