header image
 

Tag-init

meron akong isang kantang naalala sa panahon ng tag-init..isang panahon kung saan naging malayo at mailap ka saken..Gustong gusto kitang hagkan at yakapin pero inilayo mo ang loob mo saken..sobra akong naghanap sa presensya mo na halos ikabaliw ko subalit lubha ka yatang sakim at madamot..naging maramot kang magbigay ng kaligayahan sa akin..itinuring mo akong parang isang hangin nararamdaman mo ngunit hindi mo nakikita o sadya mong ipinagwawalang bahala ang pag-iral ko..pilit kitang inaabot pero pilit mo ding inilalayo ang kamay mo..hinayaan mo akong mahulog ni hindi mo ako tinapunan ng pansin..sarili mong kaligayan lang ang inisip mo, pero paano naman ako? paano naman ang mundo ko na ginulo mo? bakit mo ko hinaayang malunod  sa panahong kailangang kailangan kita? bakit ka nanlamig? bakit naging bulag at bingi ka sa nagsusumigaw na katotohanang mahal na mahal kita?pero tapos na yun…lumipas na ang tag-init na iyon..tag-ulan na ngayon…

~ by laine4u on November 5, 2008.

Leave a Reply